Search This Blog

Pages

Saturday, June 18, 2011

PAGSUBOK

Paano mo nga bang masasabing "KAYA KO PA! KAYA KO PA! AT KAYA KO PA!"?

Minsan sa buhay natin, tayo ay dumadating sa mga pagkakataong tila halos lahat na yata ng bigat ng mundo ay ating pinapasan. Na sa sobrang bigat nito, pakiramdam mo ay pinagsakluban ka na ng langit at lupa.

Marahil, ganyan talaga ang buhay. Minsan nasa itaas ka, minsan nama'y nasa ibaba ka. Minsan masaya, minsan nama'y malungkot.

Minsan ang buhay ay sadyang masalimuot. Hindi natin masasabi kung ano ang maaaring mangyari.

Ang buhay ay mahiwaga. Ang buhay -ay hindi perpekto.

Sino ka man, ano ka man at nasaan ka man, lahat tayo ay may mga pinagdadaanan sa buhay. Mabigat man ito o magaan, sa hagupit nito, wala kang kawala; wala kang ligtas. Take it or leave it. No choice ka. Pilit ka mang kumawala, pilit mo mang ito'y takasan, para itong isang aninong laging nakasunod sa iyo.

Minsan naiisip ko, unfair talaga ang buhay. Kung sino pa ang lugmok, siya pa ang lalong nalulugmok. Kahit anong sikap na yata ang gawin mo, parang kulang pa rin. Parang balewala pa rin. Bakit kaya ganon?

Sadya kaya talagang may pinapanigan ang buhay? O sadyang mailap lang talaga minsan ang kapalaran?

Hanggang kailan kaya tayo tatakbo para sa ating mga pangarap? Hanggang saan kaya ang kaya nating tiisin? At hanggang saan kaya ang kaya nating ibigay maalpasan lamang ang mga pagsubok na dumarating sa atin.

Bibigay ka ba o kakayanin mo?

Hanggang saan? Hanggang kailan? Hangggang kailan mong masasabing. . . "KAYA KO PA!"?